KAHILINGAN PARA SA LIBRENG SHELL
English | Arabic | Bulgarian | Dutch | Finnish | French | German | Hungarian | Indonesian | Italian | Lithuanian | Malayalam | Portuguese | Romanian | Russian | Serbian | Spanish | Tagalog | Turkish | Urdu
Paraan kung paano makakakuha ng libreng shell. Una, kailangan nyo munang mag rehistro sa Forums at e-rehistro mo ang iyong pangalan o palayaw sa IRC.
Para makakuha ng libreng eggdrop/irssi/weechat/bitchx/pork kailangan mong mag-request sa IRC sa pamamagitan ng utos na ito:
/msg veselba eggdrop irc.server.com sanggunian
Kung saan ang irc.server.com ay ang server o ang network kung saan mo balak ipa-connect ang bot
at ang sanggunian naman ay ang impormasyon kung saan mo nalaman ang tungkol sa Fewona.
Halimbawa: /msg veselba eggdrop irc.freenode.net sa google
Kung kailangan mo ng eggdrop para sa ipv6 na server (at vhost) Gamitin mo ang utos na:
/msg veselba eggdrop6 irc.server.com sanggunian
Example: /msg veselba eggdrop6 irc.freenode.net sa pamamagitan ng kaibigan kong si noobwizard
Para makakuha ng libreng znc, kailangan mong mag-request sa pamamagitan ng utos na ito:
/msg veselba znc irc.server.com sanggunian
Halimbawa:
/msg veselba znc irc.quakenet.org Alam ko ang tungkol sa Fewona IRC at namimigay sila ng libreng shells
o di kaya isang halimbawa para sa znc na merong ipv6 na vhost: /msg veselba znc6 irc.fewona.net pamamagitan ng google
Kung gagamit ng pangalawang network, tukuyin ito sa pamamagitan ng kuwit, halimbawa:
/msg veselba znc irc.freenode.net,irc.fewona.net pamamagitan ng google
Pwede ring humiling ng znc at eggdrop.
Pwede kang gumamit ng hanggang sa dalawang network sa znc (kung nilagay mo ito sa iyang kahilingan)
Para makakuha ng libreng shell para sa iba pang paggagamitan tulad ng python bot o iba pang gamit o di kaya kahilingan ng isa pang eggdrop
o higit pa sa dalawang network para sa znc, kailangan mong humiling gamit ang mga impormasyon na tulad ng nasa ibaba:
- Iyong pangalan o palayaw (kailangan ang pangalan o palayaw mo sa forum at pangalan o palayaw mo sa irc ay magkatulad):
- Anong serbisyo ang plano mong gamitin o hulingin (paki tiyak para hindi malito ang admin):
- Kung ang serbisyo na gusto mo ay tungkol sa IRC, ilagay kung anong network ang paggagamitan:
Kung hindi kaya - anung proseso ang patatakbuhin at bigat ng proseso ang kinakailangan (cpu, ram, space, traffic, at iba pa):
Karagdagang impormasyon galing sa inyo tulad ng iba pang layunin ay kapakipakinabang para sa aming panig - Saan mo nalaman ang tungkol sa Fewona Free Shells?
Paki-paste ito sa forums o di kaya sa pastebin at ibigay sa amin ang link doon sa IRC.
BABALA: huwag na huwag nyong ibigay kahit anong personal na impormasyon kung kaninino tulad ng passwords o di kaya email at iba pa
Para panatilihing aktibo ang iyang account, bumisita sa Fewona IRC Network at Channel #fewona kahit isang beses sa isang linggo at mag-login(identify) kay NickServ sa pamamagitan ng utos na /id iyongpassword
Ito ay kinakailangan para ma-suspende o mabura ang mga accounts na hindi na aktibo, sa ganitong paraan makakapag libre tayo ng puwang para naman magamit sa iba pang nanganga-ilangan ng libreng shell.
Pakibasa ang mga panununtunan dito
Tungkol naman sa iba pang account pinditin dito
Translated by noobwizard